Powered By Blogger

1.21.2011

Kami na ang CHEESY




Ito lang naman ang isa sa mga kakulitan namin ng special someone ko :) Haha natutuwa lang ako kasi SPECIAL SOMEONE ko tong kakulitan ko e. Tho hindi ako yung special someone nya (sadness). Para sakin kasi itong conversation na to may kilig factor sakin. haha. Oo na ako na ang kinikilg guys. Kung meron lang akong TALLY board? napaka raming bakod na ang nailagay ko sa kakasabi nya sakin ng word na EPAL. Haha, paulit ulit nya kasi sinasabi sakin yun. Walang text sa isang araw na hindi nya sinabi yung word na epal. Hanggang sa maimpluwensyahan na ako at nakiki epal na rin ako.
Naalala ko lang nung unang una kami nag kulitan. Exam ng afternoon yun e, nakangiti sya sakin non habang lumalapit at tumabi sakin :) Syempre hindi ko pa sya like non, pero sa ngiti nyang yon I think I already fell for her that time, ayaw ko lang aminin sa sarili ko. Denial stage kumbaga. Nung mag katabi na kami, ang kulit nya, nag sasalita sya habang nag e-exam, pina patawa nya ako, as in tawa lang ata kami ng tawa nung hapong yun, ang kulit kulit nya talaga (kulit in a good way, yung kulit na hindi nakaka asar). Naalala ko pa sinabi ko non, ‘hindi tayo pwedeng mag sama kapag may exam, ang ingay natin, hindi tayo matatapos’ haha. 
Ayun, wala lang, share ko lang. Na mi miss ko na sya. SOBRA.


-Cza xx

1.20.2011

Blood Donor


Kahapon, nag donate ako ng 450 ml of blood sa Red Cross. Hindi ko first time mag donate, pang limang beses ko na yung kahapon.
1st Donation: I was first year college that time, may pumuntang Red Cross Staff sa school namin. 350 ml lang kinuhang dugo sakin non, since 43Kg lang ang weight ko non. Oo depende sa weight mo kung pwede ka mag donate ng dugo. Dapat 40Kg above ang weight mo.
2nd Donation: Kung hindi ako nag kaka mali, nag donate ako para sa mother ng class mate ko, kailangan kasi ma operahan, e since mahal ang dugo sa ospital (FEU-NRMF), humanap ang friend ko ng pwede mag donor, pumayag naman ako :) 
3rd Donation: Sa Quirino Memorial Medical Center ako nag donate, para sa patient ko, (magiging registered nurse na po ako, hopefully), na saksak yung patient ko sa chest nya, so medyo kapos ang family nya at kailangan din ng dugo, katulad ng sabi ko, mahal ang dugo sa ospital, kaya nag kusang loob na ako mag donate para sa patient ko, nakaka tuwa kasi, alam mo yung  pakiramdam na nakita mo ang patient mo na maayos na ang kalagayan at hindi na namumutla dahil sa tulong mo? ang sarap.
4th Donation: Sa St. Luke’s ako nag donate, inaamin ko, sa ospital na to may pinaka maganda akong experience ng pag do donate. Para kang VIP kung itrato ng nurses at med tech don. Nag donate ako para sa kaibigan ko na na dengue. Mas mahal daw ang cost ng blood kaya hanggang sa may donor, ayaw mag bayad ng family nila for blood.
5th Donation: Eto nga yung kahapon, sa Red Cross ulit. Wala lang naisipan ko lang mag donate kasi isang taon na rin yung huling donation ko.
Ang NAKAKAPAG TAKA LANG.
Ang kaibahan ng Red Cross at ng mga hospital na napag donate ko, sa Red Cross, hindi sila nag screen ng dugo. Hindi muna na checheck kung infected ba nang kung anong sakit yung mag do donate. Hindi ako sigurado pero, wala sila nung mga proseso na ginawa sa ospital, sa ospital, kukunan muna ako ng blood sample, iche check kung HEPA B positive and HIV/AIDS positive ako, basta mga sakit na pwedeng makahawa na hindi kana gagaling.
Sa Red Cross walang screening e, ang screening lang yung check list nila, e pwede kayang mag sinungaling dun sa kapirasong papel na yun.
Hindi ko alam kung chinecheck pa rin nila yung mga dugo… Pero kaso sabi nga sa balita kumakalat ang AIDS dahil sa blood transfusion. Which is pano mangyayari kung na screen ang dugo diba?
Hindi ko alam, pero kailangan ko ng kasagutan sa tanong ko kung bakit hindi nag screen ang Red Cross ng dugo.
At isa pa :) sa lahat ng napag donasyon ko ng dugo, wala akong hiniling na kapalit, kusang loob po lahat ng iyan :) Sana makapag donate din kayo kasi masarap ang feeling ng nakaka tulong para dugtungan ang buhay ng isang tao :)


-Cza xx

1.17.2011

Pagbabago

May ideya ka ba kung bakit biglang nag babago ang isang tao sa pakikitungo nya sayo?
Marahil meron, pero hindi ka sigurado kung tama ang hinala mo. Tama ba?

- Ako sa totoo lang, ayoko nang nag tatanong ako sa isang tao kung bakit sya biglang nag bago ng pakikitungo sakin. Oo, alam ko, wala namang masama sa pag tatanong, PERO
  • Pano kung hindi mo kayang marinig sagot nya?
  • Pano kung may nagawa ka palang hindi maganda na ikinasama ng loob nya?
  • Pano kung wala, at nag bago lang talaga sya?
"PERO lahat ng taong nagbago ay may DAHILAN diba? para sakin, imposibleng wala."


E kung itanong mo kaya sa kanya kng bakit sya nagbago para hindi ka isip ng isip kung bakit sya nagbago (ang sabi ng isip ko).
  • Pag tinanong ko ba babalik sya sa dati?
  • Kapag nalaman ko ba ang sagot sa tanong ko matutuwa ako?
Kaya wag na lang. pwede naman ako tumigil sa kaka isip kung bakit sya nag bago diba?

Kung may nag babasa man ng post na ito, ang akin lang, kung balak mo rin mag bago
ng pakikitungo sa isang tao, ipaalam mo sa kanya kung bakit, magusap kayo, sabihin mo ang dahilan ng pag babago mo, hindi yung iiwas ka na lang bigla, malay mo, maging masaya pa sya sa desisiyon mo dahil alam nya na para pala sa ikabubuti mo ang pag babago mo. Sana nga masaya ka sa desisiyon mong pag babago. Sana nga.

xx

Patuloy na lang ba akong maghihintay?

I don’t deserve this fucking pain. JUST SO YOU KNOW.

  • I am starting to hate you! fuck!
  • I hate you because you always make me wait!

- nag smart ako kahapon para sayo, nagpaload pa kasi sabi mo, pagkatapos hindi ka mag rereply, nag reply ka nga sabi mo tinatamad kang magtext. Tang ina naman, isang araw ako nag hihintay sa text mo isasagot mo lang, TINATAMAD KA MAG TEXT? POTA.

  • Naka move on na ako nung 1st week ng bagong taon e, hindi na dapat kita kakausapin, pero ano? nag paramdam ka na naman, syempre hindi kita matitiis. Tapos ganto gagawin mo sakin?
  • I hate you for making me feel special on a certain day, then nothing on the next day. WHAT THE FUCK IS WRONG WITH YOU?!
  • I hate you for being such a FLIRT! FUCKING FLIRT!
  • FUCK YOU