Kahapon, nag donate ako ng 450 ml of blood sa Red Cross. Hindi ko first time mag donate, pang limang beses ko na yung kahapon.
1st Donation: I was first year college that time, may pumuntang Red Cross Staff sa school namin. 350 ml lang kinuhang dugo sakin non, since 43Kg lang ang weight ko non. Oo depende sa weight mo kung pwede ka mag donate ng dugo. Dapat 40Kg above ang weight mo.
2nd Donation: Kung hindi ako nag kaka mali, nag donate ako para sa mother ng class mate ko, kailangan kasi ma operahan, e since mahal ang dugo sa ospital (FEU-NRMF), humanap ang friend ko ng pwede mag donor, pumayag naman ako :)
3rd Donation: Sa Quirino Memorial Medical Center ako nag donate, para sa patient ko, (magiging registered nurse na po ako, hopefully), na saksak yung patient ko sa chest nya, so medyo kapos ang family nya at kailangan din ng dugo, katulad ng sabi ko, mahal ang dugo sa ospital, kaya nag kusang loob na ako mag donate para sa patient ko, nakaka tuwa kasi, alam mo yung pakiramdam na nakita mo ang patient mo na maayos na ang kalagayan at hindi na namumutla dahil sa tulong mo? ang sarap.
4th Donation: Sa St. Luke’s ako nag donate, inaamin ko, sa ospital na to may pinaka maganda akong experience ng pag do donate. Para kang VIP kung itrato ng nurses at med tech don. Nag donate ako para sa kaibigan ko na na dengue. Mas mahal daw ang cost ng blood kaya hanggang sa may donor, ayaw mag bayad ng family nila for blood.
5th Donation: Eto nga yung kahapon, sa Red Cross ulit. Wala lang naisipan ko lang mag donate kasi isang taon na rin yung huling donation ko.
Ang NAKAKAPAG TAKA LANG.
Ang kaibahan ng Red Cross at ng mga hospital na napag donate ko, sa Red Cross, hindi sila nag screen ng dugo. Hindi muna na checheck kung infected ba nang kung anong sakit yung mag do donate. Hindi ako sigurado pero, wala sila nung mga proseso na ginawa sa ospital, sa ospital, kukunan muna ako ng blood sample, iche check kung HEPA B positive and HIV/AIDS positive ako, basta mga sakit na pwedeng makahawa na hindi kana gagaling.Sa Red Cross walang screening e, ang screening lang yung check list nila, e pwede kayang mag sinungaling dun sa kapirasong papel na yun.Hindi ko alam kung chinecheck pa rin nila yung mga dugo… Pero kaso sabi nga sa balita kumakalat ang AIDS dahil sa blood transfusion. Which is pano mangyayari kung na screen ang dugo diba?Hindi ko alam, pero kailangan ko ng kasagutan sa tanong ko kung bakit hindi nag screen ang Red Cross ng dugo.
At isa pa :) sa lahat ng napag donasyon ko ng dugo, wala akong hiniling na kapalit, kusang loob po lahat ng iyan :) Sana makapag donate din kayo kasi masarap ang feeling ng nakaka tulong para dugtungan ang buhay ng isang tao :)
-Cza xx


No comments:
Post a Comment