Powered By Blogger

1.21.2011

Kami na ang CHEESY




Ito lang naman ang isa sa mga kakulitan namin ng special someone ko :) Haha natutuwa lang ako kasi SPECIAL SOMEONE ko tong kakulitan ko e. Tho hindi ako yung special someone nya (sadness). Para sakin kasi itong conversation na to may kilig factor sakin. haha. Oo na ako na ang kinikilg guys. Kung meron lang akong TALLY board? napaka raming bakod na ang nailagay ko sa kakasabi nya sakin ng word na EPAL. Haha, paulit ulit nya kasi sinasabi sakin yun. Walang text sa isang araw na hindi nya sinabi yung word na epal. Hanggang sa maimpluwensyahan na ako at nakiki epal na rin ako.
Naalala ko lang nung unang una kami nag kulitan. Exam ng afternoon yun e, nakangiti sya sakin non habang lumalapit at tumabi sakin :) Syempre hindi ko pa sya like non, pero sa ngiti nyang yon I think I already fell for her that time, ayaw ko lang aminin sa sarili ko. Denial stage kumbaga. Nung mag katabi na kami, ang kulit nya, nag sasalita sya habang nag e-exam, pina patawa nya ako, as in tawa lang ata kami ng tawa nung hapong yun, ang kulit kulit nya talaga (kulit in a good way, yung kulit na hindi nakaka asar). Naalala ko pa sinabi ko non, ‘hindi tayo pwedeng mag sama kapag may exam, ang ingay natin, hindi tayo matatapos’ haha. 
Ayun, wala lang, share ko lang. Na mi miss ko na sya. SOBRA.


-Cza xx

No comments: