Powered By Blogger

1.17.2011

Pagbabago

May ideya ka ba kung bakit biglang nag babago ang isang tao sa pakikitungo nya sayo?
Marahil meron, pero hindi ka sigurado kung tama ang hinala mo. Tama ba?

- Ako sa totoo lang, ayoko nang nag tatanong ako sa isang tao kung bakit sya biglang nag bago ng pakikitungo sakin. Oo, alam ko, wala namang masama sa pag tatanong, PERO
  • Pano kung hindi mo kayang marinig sagot nya?
  • Pano kung may nagawa ka palang hindi maganda na ikinasama ng loob nya?
  • Pano kung wala, at nag bago lang talaga sya?
"PERO lahat ng taong nagbago ay may DAHILAN diba? para sakin, imposibleng wala."


E kung itanong mo kaya sa kanya kng bakit sya nagbago para hindi ka isip ng isip kung bakit sya nagbago (ang sabi ng isip ko).
  • Pag tinanong ko ba babalik sya sa dati?
  • Kapag nalaman ko ba ang sagot sa tanong ko matutuwa ako?
Kaya wag na lang. pwede naman ako tumigil sa kaka isip kung bakit sya nag bago diba?

Kung may nag babasa man ng post na ito, ang akin lang, kung balak mo rin mag bago
ng pakikitungo sa isang tao, ipaalam mo sa kanya kung bakit, magusap kayo, sabihin mo ang dahilan ng pag babago mo, hindi yung iiwas ka na lang bigla, malay mo, maging masaya pa sya sa desisiyon mo dahil alam nya na para pala sa ikabubuti mo ang pag babago mo. Sana nga masaya ka sa desisiyon mong pag babago. Sana nga.

xx

No comments: